Penitensya sa kakulangan ng bigas
Update: Sen. Mar Roxas tells GMA on rice issue: “Magpakatotoo ka.”
Ang galing nitong si Agriculture Secretary Arthur Yap.
May napipintong pagkukulang sa bigas at ang kanyang solusyon ay magkaroon ng kalahati na order ng kanin sa mga fast food. Galing , no?
Nangangailangan ang Pilipinas ng 1.8 milyon na tonelada ng bigas at hirap na hirap makahanap ng mabilhan ang pamahalaang Arroyo. Nasa balita kahapon na nakabili na raw sila ng 335,000 na toneladang bigas galing sa Thailand, Vietnam at Pakistan. Kulang pa rin yun.
Ito namang si Gloria Arroyo, sabi niya wala raw rice shortage, pero magiging mahal lang nga ang bigas. Kaya, basta may pera ka, walang shortage. Pasensiya na ang mahihirap. Araw-araw rice shortage siya dahil wala namang pambili.
Grabe ang presyo ng bigas ngayon dahil nagkukulangan na. Ang Vietnam, na siyang isa sa mga pinakamalking exporter ng bigas, nagsabing hindi na muna sila magbe-benta. Siyempre unahin muna nila ang sarili nilang pangangailangan.
Bakit ba nagkukulang ang bigas sa atin samantalang maraming mga taon na ang nakakaraan, noong panahon ni Marcos, nagi-export pa tayo ng bigas.
Maraming dahilan at isa doon ay ang pangungurakot sa pamahalaan. Naala-ala nyo si Joc-Joc Bolante? Ang agriculture undersecretary ni Arroyo na ngayon ay nagbabakasyon sa loob ng rehas sa Amerika? Naala-ala nyo kung bakit nakakulong si Bolante sa Amerika? Dahil ilegal siya sa Amerika ngunit ayaw rin umuwi sa Pilipinas at takot humarap sa taumbayan lalo na sa mga magsasaka .
Noong 2004, ang fertilizer fund o pera para sa abono ng mga magsasaka na nasa pangangasiwa ng Department of Agriculture, kung saan doon naghahari-harian si Bolante, ay ginamit para sa kampanya ni Gloria Arroyo sa pagka-presidente.
Sabi ng abogadong si Frank Chavez na siyang nagpursigeng ibulgar itong katiwalian ni Bolante, umabot sa P2 bilyon ang ninanakw nian Arroyo at Bolante sa mga magsasaka.
Ang kay Bolante lang ang ating nadiskubre ngunit hindi malayo na ang pera para irigasyon at abono ay hindi napupunta sa mga magsasaka kungdi bumabagsak sa mga bulsa ng mga ganid na opisyal sa pamahalaan.
Dahil kokonti ang irigasyon, hindi masyado napapatubigan ang ating mga palayan. Dahil kulang sa abono ang mga lupa, kuklunti rin ang produktong bigas. Sa halip na tatlong beses ang ani sa isang taon, swerte na ang dalawang beses. Siyempre mas kukunti ang palay na naa-ani.
May iba ring dahilan bakit kailangan tayong umangkat ng bigas sa ibang bansa. Isa ay ang pag-convert ng palayan sa residential o industrial zone. Kaya nakikita natin na ang dating palayan ay nagiging housing subdivision o factory site.
Nandyan ri na sa halip palay, jatropha ang tinatamin para raw sa biofuel.
Nandyan rin ang sobrang pagdami ng populasyon ng Pilipinas. Mahabang usapin yun. Magdasal muna tayo para sa ating bansa.
Other articles:
This entry was posted on Tuesday, November 24th, 2009 at 1:36 pm and is filed under Uncategorized. You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed. Responses are currently closed, but you can trackback from your own site.
